TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO!
HOME
MGA BAGO
MGA ARALIN
MGA AKTIVITI
TUNGKOL SA AMIN
MGA KARUNUNGANG BAYAN

   Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang mga Espanol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan.

Salawikain-Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:


1.�Pag ang tubig ay magalaw,                        2. Ang sakit ng kalingkingan,
    Ang ilog ay mababaw.                                    Damdam ng buong katawan.
3. �A wattu langan a kuruga mariga, 4.�Ing taung mapibabata� Tattolay nga minagimamma .� Dasan na ing sablang buring na.� (Ibanag) (Pampango) Kahulugan:�Walang gawaing mahirap, �Ang taong matiyaga, sa taong matiyaga.�(Ibanag) natutupad ang ninanasa."(Pampango)

Sawikain-Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Mga Halimbawa:


1. parang natuka ng ahas- natulala                       2. itaga mo sa bato- pakatandaan
3. malayo sa bituka- hindi malubha                      4. mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan-Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito�y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos , ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Mga Halimbawa:


1.Tulak ng bibig                                            2.Kasama sa gayak
Kabig ng dibdib.                                           �Di kasama sa lakad.

3.Utos na sa pusa                                        4.Ubos-ubos biyaya
Utos pa sa daga                                           Bukas nakatunganga

BACK<<

>>NEXT

Copyright � 2014 by Kadipan
All Rights Reserved